Laro ng Lahi
" Anak, anjan na si Empoy, niyaya ka niyang maglaro sa labas."
" Mama, pwede po ba?"
" Oo naman, basta huwag ka lang magpapagabi ha"
"Yehey! salamat po mama. Empoy.. Empoy.. tara laro tayo ng luksong tinik!!!"
Naalala mo pa ang mga katagang ito nuong ika'y bata pa? Sigurado ako isa ka sa mga batang naglalaro sa mga ito. Ang salitang Laro ng Lahi (Filipino Indigenous Games) ay pinasikat ng Samahang Makasining (Artist Club), Inc. Ang Laro ng Lahi ay naging konsepto ng samahan upang mapanatili ang mga tradisyon at kinaugaliang laro ng mga pililpino.
Taong 2001, ang Samahang Makasining (Artist Club), Inc. ay gumawa ng proposal sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at pinamagatan itong Laro ng Lahi bilang pagsuporta sa tatlong araw na aktwal na paglalaro sa mga piling tradisyong laro ng mga pinoy.

Ang sagot sa ilang problemang paglalaho ng kulturang Pilipino ay ang paggunita at aktong paggawa ng mga ito. Ang katutubong laro ay maituturing na palatandaan ng isang lahi, kung kayat dapat na balikan, pangalagaan sa pamamagitan ng aktong paglalaro, pagpipinta at pagsusulat.
Ang ilang katutubong laro ay halos hindi na alam sa kasalukuyang panahon. Ilan dito ay ang Piko, Tansing, Putupong, Sundutan sa puno, Siring bulding, Lupat langit, Tumbang preso, Harantagang bilog, Siyatong, Holen Butas at Lusalos. Isinama rin ang ilang kilalang mga laro tulad ng Patintero at Dama upang mas maging masaya at makayang laruin ng ilan na hindi alam ang mga lumang laro.
Ang laro ng bawat lipi ay pagkakakilanlan ng isang pagkatao at pagkabansa. Humuhubog rin ito ng isang masining na kaisipan at masining na damdamin. Paghubog sa pag-uugali at paghahanda sa mga susunod pang mga karanasan ng pagiging propesyonal ay dulot rin ng kabataang paglalaro.
Ang proyekto ay pinamahalaan ng mga masisipag na pamunuan at miyembro ng Samahang Makasining (Artist Club) Inc., sa tulong na rin ng ibat ibang sangay ng samahan. Ang mga namahala sa gayong gawain ay may sapat na kakayahan at kasanayan upang mapagtagumpayan ang layunin ng proyekto at ng samahan base na rin sa tagal na nila itong ginagawa na walang suporta sa ano mang ahensiya ng gobyerno o pribadong grupo.
Mas naging tagumpay pa itong nakaraang proyekto at nabigyang pansin pa ang ilang aspetong gawain sa sining sa dahilang ang gobyerno sa pamamagitan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ay naggawad ng pinansyal na suporta upang gamitin sa ilang pangangailangan ng samahan.

Para sa mga karagdagang impormasyon
Palarong Pinoy Mini-Olympics Site ---- http://filipinogames.multiply.com
Larong Pinoy Advocacy Site -------------- http://larongpilipino.multiply.com
WikiPedia on Filipino Games ----------- http://en.wikipedia.org/wiki/Traditional_games_in_the_Philippines#Reference
WikiPiipinas on Filipino Games -------- http://en.wikipilipinas.org/index.php?title=Filipino_Traditional_Games
Magna Kultura Homepage --------------- http://magnakultura.multiply.com
Advocacy for Arts & Culture --------------- http://asiancenter.multiply.com
Social Entrepreneurship ------------------ http://dickieaguado.multiply.com
...